Gabi na nang mapagpasiyahan namin ni Khelvin na pumunta ng Wilfredo's. Kumakaen kame ng dinner nang biglang:
ako: "... *nguya* "punta tayong Wilfredo's?"
Meow: "Sige, Greyhoundz ba talaga yun o baka naman cover lang?"
ako: "Greyhoundz yun, yun yung nakasulat sa gate eh."
Meow: "Sige! Boring dito eh."
Tas nun nakalimutan na namen pakainin si Pikachu ng dinner sa sobrang atat makapunta sa gig. Mga atat! Wawa naman si Pika. Eh pagdating namen ng Wilfredo's di pa naman masyadong nag-uumpisa. HAHA.
Tambay muna kame sa labas pagdating sa venue. Bili yosi. Tas pumasok na ren kame agad at naghanap ng mauupuan. Nang makahanap na kame ng pagsasalpakan ng puwet namen, order kame beer. 2 bote. Saka Calamares (da best ang Calamares tsong tsang!). Pagkatapos maubos ang isang bote, meme ako. Tipong yung mga tumutugtog dun eh lullabye ko lang kahit sobrang naghe-headbang sila. Ako headbang sa mesa. Tulog. Nagising na lang ako nung Mortal Grudge na yung tumutugtog. Bangis! Babae pala yung vocalist tas naasar pa ko kay Khelvin kase tinitignan niya yun, haha. Vocalist pala ampota. Ganda. Eh kahit ako napatingin. Sana paglaki ko ganun den boses ko. Grraaawwwllll... Kahit alam kong hindi na ko lalake eh sa boses man lang bumawi.
Pagkatapos nila idol, isang idol pa ang tumgtog. Final show na. At last... abot kamay ko silang na-experience.
Ser, salamat sa pagpapasaya sa aming gabi. Ako'y nakatulog ng matiwasay sa inyong tinig.
TITA MEL: sayang wala ka. ang kyut ni Ninyo.
Free Counter |