sa isang message board (kung saan hinatulan ako ng kasong homicide pagkatapos mag-post ng topic previously), nag-post ako ng topic kung saan sila bumibili ng t-shirt o ano'ng brand ng t-shirt nila. nakuha ko ang ideyang yan kay mr_d (http://deardiarya.blogspot.com) bisitahin niyo yan minsan, parang nagbasa na rin kayo ng latest book ni bob ong. (naks mr_d, may acknowledgement pa ko sa'yo).
karamihan ng sumagot eh sa ukay-ukay. meron ding mayayaman na sa marks & spencer pa bumibili ng t-shirt. kung ako naman ang tatanungin, am blvd o kaya naman branded (pero isa pa lang ang t-shirt na binili ko dyan). simple, at kayang-kaya ng bulsa.
naalala ko nung bata pa ko, halos lahat ng isinusuot ko... Guess. Marks & Spencer. bihira lang ako magsuot ng mga dress na binili pa ng mama ko sa ever kase wala pang sm fairvew noon. take note: DRESS. pero ngayon, naranasan kong bumababa nag level ng luho ko. dati, nagkukulong pa ko sa kwarto para mabilhan ng cell phone nung 1st year high school pa lang ako. ngayon, dalawa na ang cell phone ko, kulang na lang iahgis ko to sa bubong pagkatapos magtext.
Hindi ko alam kung bakit ako ganyan noon. Siguro nakakaen lang ako ng pancit canton whole day. Sa umaga: Pancit Canton as in Pancit Canton talaga na hindi yung Lucky me na inendorse ni Sharon at Kiko at kala ko Mcdo ang iniendorse nila. Sa gabi: Lucky me Pancit Canton.
Parehong Pancit Canton ngunit may pagkakaiba.
Gumala-gala ako... napahinto sa isang message board na hindi ko sasabihin ang site, baka magkasala na naman ako sa lipunan. Yun ang message board na magpost ka lang ng topic eh isusumpa ka na ng bayan. Di ko na binisita pa ang topic na yun. Baka mamaya, may masabi ako tas aariba na naman ang mga pating. "Shark-infested area" nga naman tulad ng sabi ng isa kong kabatak dun, hi bro!
Nag-post ulit ako ng topic. Mamaya maglalakad na ko paluhod sa Quiapo.
Free Counter |