Y
Tuesday, October 25, 2005
rakrakan
nung isang araw, tinawagan ako ni ditaz para maki-extra sa taping ng music video ng rock steady. since kilala niya ang guitarist, hala, sige sama aku. at eto ang ilang alaala ng taping na iyon. di ko alam kung ano'ng kanta, "deadma" daw sabi ni ditaz. basta, malalaman niyo na lang kapag napanood niyo sa mtv.

haayy... saya pag busy ang buhay... nagkaroon kame ng pagkakataong mamuhay artista!
ayaw ni Elize ng pink ng ganitong oras 12:13 PM |
Y
Thursday, October 20, 2005
once a gago, always a gago
please pray for my sister's speed recoveryat least sa sobrang daming nangyayari saken, i can still smile. kaya ayoko ng bakasyon eh! actually gusto ko tumambay with friends ngayon kaso umuulan eh. meaning: GUSTO MAKALIMOT SA PROBLEMA! minsan nga gusto ko na lang lunurin sarili ko sa beer at yosi... kaso pano? eh walang pasok! walang allowance! at malamang... sampal ng mag-asawa ang abot ko pag nakita ako ng nanay ko... sabi nga ni mama: "
anak, hindi kita pinalaki para sa bisyo". syit. ang tanong, KUNG WALANG BISYO PANO PA MAKAKALIMOT SA PROBLEMA? heto nga't batong bato na ko dito sa bahay, di ko alam kung paano ko hindi maiisip mga problema ko! kaya nga gusto ko na lang matulog buong araw para walang problema. kaso sermon naman aabutin ko kay mama tulad kanina: "
yang gawain mo na yang matulog nang matulog eh gawain ng tamad!" nyurr. o sige na nga! at least kahit papano pag nasa school, hindi ganyan. at least pag nasa school, pwede lahat. at least pag nasa school, makakahanap ka ng lugar kung saan mo gusto, ung tahimik. ung maiintindihan ka ng kalikasan. ung kahit nagyoyosi walang nagbabawal. ung kasama mo ung mga taong handang dumamay sa'yo at handang makinig sa mga walang kwentang pinagsasabi mo. haayy...
pwede ba... alam mo na kung sino ka. gusto ko nang lumaya sa anino mo, kaya tigilian mo na ko. kaya ayoko nang nagpaparqamdam ka kase ikaw mismo gumagawa ng initiative para mangulila ung tao sa'yo! sana malaman mo kung gaano ka katanga! ang tanga tanga mo na, ang bobo bobo mo pa! tapos ngayon sasabihin mo ba't kita lagi sinasaktan?! sino ba ha?! diba ikaw nga nagpasimula?! kaya ayoko ng balikan eh. kaya ayoko ng kausapin ka kase bumabalik lang sakin lahat! kaya please lang... kung wala kang magawa sa buhay, wag ako ung gagaguhin mo. pakiusap lang.
ayaw ni Elize ng pink ng ganitong oras 12:28 AM |
Y
Monday, October 17, 2005
this is the night
ang bilis ng panahon. sembreak na naman. 3 weeks in hell again! hayy... i'll be missing my friends at school. ung mga cramming times, tambay sa wall, lunch sa jollibee muralla, tawanan sa corridor na kala mo kame lang ang tao dun! nung isang gabi lang nagclosing party kame sa bahay. syempre, andun si sir jeggy, ang aming butihing prof sa news and feature writing! mejo nakakahiya nga eh kase balak talaga namen videoke kaso ang daming problema! tulad ng walang microphone, nung nagkaroon na, may problema naman sa dvd player and so on... pero at least diba, nasolusyonan naman kahit papano. eh di nagkantahan kame tapos kainan. ilan kame sa bahay nun, 10! so mejo jam-packed pa kame sa sala. mga 9pm umalis na rin si sir (since laguna pa uwi niya) kasabay niya si abby (emergency daw sa hospital). pag-alis nila, todo ligpit na ko ng table tapos sinamahan ko ung iba na bumili ng maiinom. red horse, anim para sa'ming 5. grabe, mga tipong kinakanta namin eh "hopelessly devoted to you" by olivia newton. juskupu! mamatay matay ako sa kakatawa. si harlet naman "kahit gaano kalaki" grabe na talaga... mga 11:45pm pack-up na namin ung videoke, sayawan naman kame. so sobrang lasing na talaga kame nito, di ko na nga maalala mga pinaggagagawa ko! tapos ang naaalala ko na lang, nagsindi sila ng candle tapos open forum na. so syempre may umiyak. may tumawa. naalala ang mga nakaraang kay saklap. syit. ang drama namen. sobra. halos nakalimutan ko na ung ibang pinagsasabi nila tungkol saken. hihi... ayun, nakakamiss lang kase 3 weeks kameng di magkikita kita. haayy...
ayaw ni Elize ng pink ng ganitong oras 12:19 AM |
Y
Friday, October 14, 2005
Lunes
unang araw, kay bilis ng galaw
may kalaliman ang pagtutol sa pag-ayaw
ang kalimutan ka kahit pa may iba
at sa muli magbabalik sa'kin ang lahat.
maaari bang magtanong?
dahil labis na rin akong lumalayo...
matatanggap ba ko?
kung magbabalik sa iyo?
sakit ng sinapit at
please wag na magtampo?...
wala man akong nagawa
nung unang ika'y nawala
wala sa hinagap na ako'y mabibigo
unang araw, naninibago ka't
sa pakiwari ay may katiyakan na
at sa isang iglap mayroong magaganap
at sa muli magbabalik sa'kin ang lahat.
wag kang magtatakang pinilit kong magtanong
basta't sapat na ang malaman mo
na ako ay narito
wag kang magtakaa...
ayaw ni Elize ng pink ng ganitong oras 12:21 AM |
Y
Monday, October 03, 2005
why speak?
at last... update na rin. well yesterday we had a great time sa studio 8 ng abs-cbn. we watched "y speak" live and nagtape rin for next week. and we met asia again sa set. trulily, ang gulo namin nung taping kesa sa live! as in mas ok sa audience seat kesa dun sa malapit sa hosts. basta! haha! sa live we were with admu then sa taping we were with UE Cal (err?) comm arts! so tagisan ng cheer ito! kaso mas madami mga tga UE eh... wala kaming laban. the taping ended at 11pm na then we started packing up kase magssleep over mga classmates ko sa bahay. grabeng bonding session ito! we stayed late till 2:30am. ayun lang naman... ang kulit ni sir jeggy! haha! the following days, i'll be busy for this final term. we'll be having our PR plan sa tagaytay then overnight ulit mga classmates ko dito sa bahay for a closing party. saya! ginawang boarding house ang bahay namin... but, really, it's fun being with them. haayy, then 1st sem ends after. nakakamiss.
ayaw ni Elize ng pink ng ganitong oras 2:01 PM |