Y
Friday, February 16, 2007
jeef
nasa jeep papalabas na ng subdivision namen nang maalala ko na naiwan ko id ko. syempre sa school, no id no entry. pero sige tuloy pa ren ako, iisipin ko na lang sa school kung anong klaseng takas sa mga guard ang magagawa ko. pagdating ko ng school wala akong nagawa kundi sabihin sa sarili ko baket nung nasa jeep pa lang ako di ko nagawang pumara kay manong drayber para kahit late na ko sa unang subject ko, at least may id ako. wala akong nagawa kundi bumalik ng bahay para kunin id ko (take note: school-intramuros; home-novaliches)
ang karanasan ko sa pagiging makalimutin sa id ang nagtungo sa akin para magkaroon ng realization. for once in my life ngayon ko lang nagawang pagsisihan ang mga dapat pagsisihan. mga failures ko dati, bakit nga ba di ko nagawang itama ang mali. magagawa ko na lang magsisi sa bandang huli. baket ngayon nagagawa ko na pero baket noon hindi ako kumikilos para magawa ito? nagagawa ko na lang ngayon magsisi kung kelan huli na.
ayaw ni Elize ng pink ng ganitong oras 1:37 AM |