Y
Monday, September 18, 2006
busyness
ito lang naman ang aking kinaabalahan nitong mga nakaraang araw:-NAKIPAGDATE KAY DIANE SA ESKINITA
details: ubos pera (kinabukasan...)
-NAKIPAGSLAMAN SA PUTIKAN NUNG MUZIKLABAN KASAMA SILA JADE AT MEL
details: dami papa! ung iba di ko alam kung para sa mga gusto nilang banda talaga pumunta or naghanap lang ng makaka-date. kase may na-jackpot kameng lalake dun. nung nakilala namen, hala! di lang yakap ang ginawa... lingkis pa! haha! saya ng buhay. pero may isa akong nagustuhan talaga dun eh... ung melvin. di sya gwapo pero grabe. siguro pag nakasama niyo siya... matatawa kayo. never fail! baka nga hindi lover ang kailangan ko ngayon kundi clown. sayang nagpakipot pa kase ako kaya di ko nabigay namber ko.
-KTV BEFORE AND AFTER CLASS
details: for added enjoyment. to lessen nervousness lalo na pag may graded recitation and quiz. it helps!
-MAG-EDIT NG MAG-EDIT NG PROFILE SA FRIENDSTER
details: para di naman masayang ang prepaid net card. at para na rin hindi mabato sa bahay pag walang pasok. kaya muka akong di mapakali sa friendster profile ko ngayon.
-MAG-GROCERY SA SM SUPERMARKET KAHIT DI NAMAN BIBILHIN
details: bagong trip namen yan. tipong pati Lay's, Ruffles & Doritos eh pinatos sa cart. ung mga tao nagtitinginan na samen dahil muka kameng walang pakelam sa pera. pero sa totoo lang ang binili lang namen sa mga pinagkukuha namen ay ang e-aji, pik one at flavored water na lasang strawberry na may suka. yak.
-MAGYOSI NG MAGYOSI KAPAG WALANG GINAGAWA SA SCHOOL
details: normal na yan. tig-iisa na nga kame ng lighter eh.
-SAMAHAN MAGSHOPPING SI MAMA
details: normal na rin yan. wawa naman si mama.
and other upcoming event/s will be as follows:-WBOB (MOA) shet... mukang delikado pa ko dito kase may pupuntahan akong kasal kinabukasan. abay na ko, emcee pa ko. amp.
-ACQUAINTANCE PARTY? like yah. graduating na kaya... sila. mag-iinuman lang ata kame kela avi eh!
-SAMAHAN ULIT MAGSHOPPING SI MAMA tulad nga ng sabi ko, normal na yan.
ayaw ni Elize ng pink ng ganitong oras 9:33 PM |