Y
Thursday, September 21, 2006
anino
may ibang tao na naghihinayang sa pinagsamahan. may ibang tao naman na mas gusto na lang nilang kalimutan ang lahat para mawala ang alaala, at ang sakit. pero ano ba talaga ang dapat?
kailangan pa ba balikan ang nakaraan at lasapin ang sarap ng samahan noon? o mas makabubuti ba ang idaan ang lahat sa limot para walang katumbas na sakit ang mga alaala ng kahapon?
magulo kung iispin. at mahirap kung tatanggapin. na ang lahat ng pinagsamahan, lahat ng alaala, mga pinagdaanan niyong masasaya at malulungkot... ay mapupunta na sa wala.
ngayon... hindi ko lubos maisip kung ano ang pinagkaiba ng TAMA at ng DAPAT. tama ba na kalimutan lahat. dapat pa rin bang sariwain ang mga masasayang alaala gayunpaman ay wala na rin namang mapapala kung patuloy mo itong gagawin.
ayaw ni Elize ng pink ng ganitong oras 1:05 PM |