Y
Thursday, July 27, 2006
BOKUS
nanood kame ng SUKOB nila earvin at harlet. dapat talaga, madami kame niyan, tipong tama na kameng sampu na magkakasama sa sinehan dahil sa ingay. pero dahil may kanya-kanyang dahilan ang ibang hindi makakasama, go pa ren kameng tatlo. nagpanggap na matatapang. timing ang pagpasok namen sa sinehan, kakaumpisa pa lang. siguro mga after 10 minutes eh para na kameng nakasakay sa roller coaster dahil sa sigawan. para mapatunayan na sumisigaw din kame, pagkatapos ng sigawan nila, kame naman. ang saya ng movie. parang final destination lang. mas ok pa sa white lady (sabi nila earvin at harlet dahil di nila ako kasama manood nun). rating? two thumbs up with the middle finger pointing at you. yeah.
ayaw ni Elize ng pink ng ganitong oras 10:34 PM |