Y
Monday, October 17, 2005
this is the night
ang bilis ng panahon. sembreak na naman. 3 weeks in hell again! hayy... i'll be missing my friends at school. ung mga cramming times, tambay sa wall, lunch sa jollibee muralla, tawanan sa corridor na kala mo kame lang ang tao dun! nung isang gabi lang nagclosing party kame sa bahay. syempre, andun si sir jeggy, ang aming butihing prof sa news and feature writing! mejo nakakahiya nga eh kase balak talaga namen videoke kaso ang daming problema! tulad ng walang microphone, nung nagkaroon na, may problema naman sa dvd player and so on... pero at least diba, nasolusyonan naman kahit papano. eh di nagkantahan kame tapos kainan. ilan kame sa bahay nun, 10! so mejo jam-packed pa kame sa sala. mga 9pm umalis na rin si sir (since laguna pa uwi niya) kasabay niya si abby (emergency daw sa hospital). pag-alis nila, todo ligpit na ko ng table tapos sinamahan ko ung iba na bumili ng maiinom. red horse, anim para sa'ming 5. grabe, mga tipong kinakanta namin eh "hopelessly devoted to you" by olivia newton. juskupu! mamatay matay ako sa kakatawa. si harlet naman "kahit gaano kalaki" grabe na talaga... mga 11:45pm pack-up na namin ung videoke, sayawan naman kame. so sobrang lasing na talaga kame nito, di ko na nga maalala mga pinaggagagawa ko! tapos ang naaalala ko na lang, nagsindi sila ng candle tapos open forum na. so syempre may umiyak. may tumawa. naalala ang mga nakaraang kay saklap. syit. ang drama namen. sobra. halos nakalimutan ko na ung ibang pinagsasabi nila tungkol saken. hihi... ayun, nakakamiss lang kase 3 weeks kameng di magkikita kita. haayy...
ayaw ni Elize ng pink ng ganitong oras 12:19 AM |